100,000 magkakasakit sa dengue sa La Niña at bagyo

LA Niña at pitong bagyo ang darating sa mga susunod na araw hanggang sa matapos ang taong ito.

Dahil sa siyam-siyam na ulan ang ibig sabihin ng La Niña at sunod-sunod na bagyo, maraming malilikhang pamumugaran ng lamok na may dala-dalang dengue.

Derpor, magiging ma-dengue ang mga susunod na buwan.

Kaya naman, pinaghahanda na tayo ng mga taga-Health department laban sa dengue at iba pang mga sakit na nililikha ng basa at binabahang kapaligiran, gaya ng leptospirosis.

oOo

Ispiking of dengue, Suki, huwag munang magsaya si PNoy sa pagsasabing itong dengue ang isang palatandaan ng matuwid na daan.

Mas kokonti ang nagkasakit at mas kokonti rin ang namatay sa dengue sa matuwid na daan, sabi niya.

Totoong huwag gawin ni PNoy na batayan ng matuwid na daan ang rekord sa dengue ngayon dahil hindi pa tapos ang laban dito.

Lalo’t sinasabi ng DOH na maaaring aabot sa 100,000 ang magkakasakit nito dahil nga sa La Niña at mga bagyo. Eh hanggang 94,000 lang ang nagkasakit noong nakaraang taon.

oOo

Ang higit na mahalaga ay ang pagtutulungan ng lahat laban sa sakit.

Kapag ‘di tayo magtulungan, baka tamaan tayo lahat ng dengue.

Kapag sinabing tayo’y maglinis ng kapaligiran, tiyakin na rin nating malinis ang lahat ng paligid nating magkakapitbahay.

Ah yang donasyon sa dugo, Suki, paano, huh?

Sa parte ng gobyerno, dapat magbukas ito ng maraming sentro ng gamutan.

Hindi yung maglakad ang mga nade-dengue ng 100 kilometro bago may ospital na tatanggap ng may sakit nito.

Magpakalat kayo ng mga doktor hanggang sa mga barangay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply