11 sugatan sa salpukan ng 2 bus

TINATAYANG 11 katao ang nasugatan kabilang ang isang buntis makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa Quezon City kagabi, Setyembre 13.

Ayon sa report ng dzBB ngayong umaga, isinugod ang mga sugatan sa East Avenue Medical Center makaraan ang aksidente.

Batay sa report, nabangga ng Malanday Metro Line bus (TWH-251) na minamaneho ng isang Molina ang rear ng Baclaran Metro Line bus na minamaneho ng isang nagngangalang Delos Santos.

Patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing insidente.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries si Molina.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply