112 charitable institutions tinabla ng PCSO

ITINIGIL na ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) ang pagbibigay ng buwanang tulong pinansiyal sa 112 mapagkawanggawang organisasyon sa buong bansa, na nagkakahalaga ng P116 milyon kung saan ang iba sa mga ito ay nakaugnay sa DSWD at DOH.

Ayon kay PCSO Chair Margarita Juico, maling paggamit ng pondo ang kanyang dahilan sa pagpapatigil ng tulong sa nasabing mga institusyon.

Dagdag pa ni Juico, kaysa ibigay ay gamitin na lamang nila ang pondo sa pagbili ng mas kinakailangang gamot, health-care products at pagkain.

“Pinambabayad umano ang pondo ng PCSO sa mga pasweldo ng mga tauhan, kuryente, tubig, gasolina at transportasyon. Dapat ay sa pangkalusugan at nutrition-related items yan ginagamit,” ayon kay Juico.

Napag-alaman ng PCSO ang iregularidad sa liquidation reports na isinumite ng ibang mga organisasyon kaya wala nang magagawa ang ahensya kundi ihinto ang tulong pinansyal sa mga institusyon kung saan 53 sa mga ito ay pinamumunuan ng mga Katoliko at ibang religious organizations.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply