12 ASG, 2 sundalo tepok sa bakbakan sa Sulu

NALAGAS ang 12 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang dalawa naman ang namatay sa panig ng tropa ng pamahalaan sa bakbakan sa southern Philippines kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Marine commander Col. Romeo Tanalgo na bigla na lamang umatake ang mga militante sa tropa ng Philippine Marine (PM) na ginuguwardiyahan ang paggawa ng isang eskuwelahan sa Talipao township sa Sulu province, alas 5:30 ng madaling-araw.

Sa nasabing engkuwentro, tumimibuwang agad ang 12 sa mahigit sa 20 armadong bandido habang nalagas din ang dalawang sundalo at anim pa sa  Philippine military personnel ang malubha namang nasugatan.

Ayon kay Tanalgo, hindi pa nila makumpirma kung ang armadong kalalakihan ay sakapi sa notoryus at bayolenteng Abu Sayyaf group.

Ito ay dahil ang lugar ay balwarte rin ng isa pang grupo na Moro National Liberation FronT (MILf), na kilalang stronghold ng ASG sa matagal nang panahon.

Inilagay na ng Washington sa blacklisted ang Abu Sayyaf bilang isinusumpang terrorist group sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply