$12 billion investment iniuwi ni PNoy mula China

BUONG ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagbabalik bansa kanina ang $12 billion investment na kanyang naisara sa apat na araw na state visit niya sa China.

Dumating si PNoy kaninang alas-sais ng gabi sa Ninoy Aquino Intenational Airport (NAIA) kasama ang kanyang mga delegado.

Sa arrival statement, sinabi ng Pangulo na mula sa 36 na pakikipagpulong sa Beijing, Shanghai at Xiamen sa mga Chinese investors at officials ay nakamit nila ang $1.282 billion na bagong investments.

Dagdag pa aniya rito ang $3.8 billion na halos tiyak ng investments na ibubuhos sa bansa at ang hindi umano bababa sa $7.9 billion investment mula naman sa mga korporasyon na nagbigay ng interes na mamuhunan din sa Pilipinas.

“Dagdag pa po diyan ang tinatayang $3.8 billion dollars ang halaga ng mga halos tiyak na mga investment at hindi raw ho bababa sa $7.9 billion naman ang tinatayang  halaga ng mga investment mula sa mga korporasyon ang nagpahiwatig ng matinding interes na mamuhunan po sa ating bansa.”

Giit ng Presidente, malinaw umanong naiparating ang mensahe na bukas ang Pilipinas pagdating sa pamumuhunan sa tamang pamamaraan.

Nailahad aniya ng kanyang mga kasama na halos 300 mga negosyante at kanyang economic team lalo na sa larangan ng business opportunities, sa agrikultura, imprastaktura, enerhiya at turismo.

Sa kabila nito, wala namang nabanggit ang Pangulo sa isyu ng pinag-aagawang Spratly Islands.

Samantala ibinida rin ng chief executive ang kanyang pagbisita sa Fujian province na lugar ng kanyang mga ninuno mula sa pamilya ng mga Cojuangco.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply