12 bus ng Victory Liner sinunog sa Tarlac

TINATAYANG 12 bus ng Victory Liner ang sinunog ng sumalakay na mga armadong grupo sa Capas, Tarlac habang naiulat na isa ang sugatan, kahapon Setyembre 25

Batay sa panayam ng dzMM kay Capas Police Chief, Superintendent Felix Berbo, pinasok ng pitong lalaki ang garahe ng Victory Liner sa Barangay Estrada at tinutukan ang mga guwardya at kinuha ang mg armas.

Kasunod nito, sinunog ng mga suspek ang 12 bus na ipinakukumpuni ng kompanya.

May isa namang tinamaan ng ligaw na bala matapos magpaputok ng baril ang mga suspek habang tumatakas.

Tinutugis na ng mga pulis at mga miyembro ng Philippine Army ang mga suspek.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply