12-taong kulong sa dealer ng botcha

NAIS nang matuldukan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang talamak na bentahan “double-dead” na karne o botcha sa palengke kaya nakatakdang isabatas ang parusang pagkakakulong ng mula anim hanggang 12 taon sa sinumang magkakasala sa batas.

Bukod sa pagkakakulong, pagmumultahin din mula sa P50,000 hanggang P200,000 mula sa dating P1,000 hanggang P5,000, ang sinumang lalabag.

“We are looking at increasing penalties of fine from the current range of P1,000-P5,000 to P50,000-P200,000, and imprisonment of 6-12 years from the current six months being imposed. We think that these penalties are appropriate for this crime as lives are being endangered here with this unscrupulous practice,” ayon kay Pangilinan.

Inihain ngayon, Martes, ni Pangilinan ang Senate Bill NO. 2612 na nag-aamyenda sa Meat Inspection Code of the Philippines na nagtatakda ng kaukulang parusa sa sinumang lumalabag o lalabag.

Umaasa si Pangilinan na mabibigyan ng sapat na kapangyarihan ang awtoridad at National Meat Inspection Services upang tuluyang masugpo na ang pangangalakal at bentahan ng hot meat.

“Kung pinaghirapan ng ating mga kababayan ang bawat piso at ultimo sentimo para lang magkaroon ng pambili ng pagkain, at pagkatapos ay mabibiktima lamang sila ng mga walang kaluluwang magbebenta ng botcha kung saan buhay mismo ng ating mga mamimili ang namemeligro, e palagay natin sapat lang ang nais nating maisapatupad sa bill na ito. Hindi biro ang ganitong gawaim,” ayon kay Pangilinan.

“Palagay natin e napapanahon na para pagbayarin ang mga ganitong klase ng mga negosyante at indibidwal,” patapos niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply