12% VAT sa toll fees di pa matutuloy sa Oktubre?

HINDI pa tiyak kung maipatutupad ng mga tollway ang 12 porsyentong value added tax (VAT) sa toll fees sa mga pangunahing expressway sa bansa sa Oktubre 1.

Sa isinagawang public hearing sa Toll Regulatory Board (TRB), sinabi ni TRB Executive Director Manuel Imperial na ngayong linggo pa lamang itatakda ang board meeting at gagawin ang deliberasyon sa panukalang singil sa toll.

Kapag nakabuo umano ng desisyon ang TRB, ilalathala muna ito sa mga pahayagan sa loob ng tatlong linggo kaya maaaring hindi masunod ang target ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Pero iginiit ni BIR Commissioner Kim Henares na wala nang makapipigil sa panininingil ng BIR sa mga expressway ng 12% VAT sa toll simula sa unang araw ng Oktubre.

Sinabayan naman ng protesta ng iba’t ibang grupo ang nasabing pagdinig bilang pagtutol sa nakaambang dagdag-singil sa toll.

Kabilang sa mga expressways sa bansa ang North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR Tollway) at Manila-Cavite Expressway (Coastal Road) sa nasabing dagdag-singil sa toll fee.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply