12% VAT sa toll tuloy na sa Oktubre

ITUTULOY ng Toll Regulatory Board (TRB) ang 12% value added tax (VAT) sa toll sa Oktubre.

Sa ginawang public hearing kanina (Huwebes, Setyembre 1), sinabi ni TRB Executive Director Manuel Emperial na matapos ang isa pang public consultation sa darating na Lunes, magpupulong na ang mga miyembro ng board upang mailathala na ang pagpapataw ng buwis sa toll sa Oktubre.

Samantala, nag-rally naman sa harap ng tanggapan Toll Regulatory Board (TRB) sa Ortigas Center, Pasig ang grupong Taxpayers’ Unity Versus Toll Hike in South Luzon Expressway (TUTOL SLEX) bilang pagsalungat sa ipapataw na dagdag buwis..

Anila, imbes na makapagbigay ng social services ang gobyerno ay nagmimistulang gatasan pa ang transport groups dahil sa pagpapataw ng 12 porsyentong VAT sa toll.

Iginiit rin nila na dapat na tinimbang muna ng administrasyong Aquino ang resulta ng pagpapatupad ng VAT sa toll dahil kakambal na nito ang posibleng pagtaas sa singil sa pasahe ng mga pampasaherong sasakyan na dumaraan sa mga expressway at maging ng mga produktong pang-agrikultura.

Hindi lamang ang transport group ang papasan dito bagkus pati na ang mga komyuter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply