12% VAT sa toll wala nang urungan– BIR

MARIING ipinahayag ngayon (Martes, Setyembre 6) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na wala nang urungan sa paniningil ng 12 percent value added tax sa toll simula sa unang araw ng Oktubre.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, wala ng hadlang ngayon sa pagpapatupad ng batas matapos magpalabas ng desisyon ang Korte Suprema kaugnay sa pagtataas sa toll fee.

Sinabi pa ni Henares na wala silang kapangyarihan para hadlangan ang batas maging ang ehekutibo sangay ng gobyerno.

Samantala, inihayag naman ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi pa pinal ang usapin kung maisasama na nila ang toll fee simula Oktubre a-uno para sa ipapataw na 12 percent VAT ng BIR.

Ayon kay TRB spokesman Julius Corpuz, may sapat pa namang panahon ang TRB para pag-usapan ang adjustment sa toll fees.

Dahil dito, agad na gagawa ng aksyon ang TRB ukol sa adjustment ng toll fee simula sa unang araw ng Oktubre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply