12,000 health workers kailangan ng gobyerno

AABOT ng 12,000 health workers ang kakailanganin ng gobyerno para matutukan ang health services ng pamahalaan.

Sa isang talumpati ni DOH Secretary Enrique T. Ona sa Nueva Ecija sinabi ng kalihim na mabibigyan trabaho sa susunod na dalawang linggo ang 10,000 mga nurses at 2,000 namang mga midwives at mga doktor.

“Ihaha-hire po natin sila para makatulong na mapabuti pa ang atin pong mga ospital, mga clinics, at saka mga rural health units. Para po mabigyan ng sapat na tulong at serbisyo yung ating mga kababayang may sakit,” ayon kay Sec. Ona.

Ang mga kukunin na mga health workers ay katuwang ng Department of Health sa programang nitong Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service (RN HEALS). Ito rin umano ay isang hakbang ng pamahalaang Aquino para matugunan ang problema sa pagdami ng mga nurses na walang trabaho sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply