13 libong magsasaka sa Bataan bibigyan ng trabaho

MAGTUTULUNGAN ang tatlong kagawaran ng pamahalaan upang bigyan ng kabuhayan ang higit 13-libong magsasaka mula sa Bataan.

Ito ay matapos mapili ng Dept. of Agriculture, Dept. Of Agrarian Reform at Dept. Of Enviroment and Natural Resources ang 3,970-ektaryang agricultural at forestry area sa bayan ng orion para sa isang agricultural project.

Inaasahang ang DENR ay magpapa-mudmod ng binhi ng atis, guyabano, manga, cacao, ramputan, coffee arabica at macadami habang ang DA naman ay magbibigay ng training kaugnay sa organic farming ng mga naturang binhi.

Samantala ang DAR naman ay magsasagawa ng mga lectures kaugnay sa land tenure.

Kabuuang 13, 772 magsasaka ang inaasahang mabebenipisyuhan ng naturang programa sa probinsya ng Bataan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply