14 wheeler truck sumalpok sa pizza parlor sa Kyusi

SUMALPOK ang isang 14 wheeler truck sa isang pizza parlor sa Libis kaninang madaling-araw, Setyembre 13.

Nabatid na pasara n asana ang pizza parlor nang biglang sumalpok ang naturang trak kung saan sa tindi ng bangga ay nawasak ang signage, nadurog ang salamin at nasira ang mga muwebles nito.

Nabatid sa nakasaksi na mabilis ang takbo ng trak bago nawalan ng kontrol.

Samantala, inamin naman ng driver ng trak na posibleng nakatulog siya sa tindi ng pagod sa pag-deliver ng mga graba.

Suwerte namang walang nasaktan sa naturang aksidente ngunit napinsala nito ang nagkakahalaga ng kalahating milyon.

Nakatakdang kasuhan ang nasabing driver.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply