18-anyos estudyante nagbigti

INAALAM na ng mga pulis ang dahilan ng isang estudyante na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Setyembre 7.

Dead on arrival sa Martinez Memorial Hospital si Rogie Lubos, 18 ng Damayan St., Maypajo, nasabing lungsod.

Base sa ulat, alas-7:30 ng gabi nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima ng kanyang ina na si Rogena.

Agad na humingi ng tulong si Rogena upang makalag ang pagkakabigti at dinala ang biktima MMH.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan upang magpakamatay ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply