18 crew nailigtas ng PCG sa nagkaaberyang barko

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 18 crew ng isang cargo vessel na nasiraan sa Basco, Batanes.

Ayon kay Lt. Commander Algier Ricafrente, tagapagsalita ng coast guard, habang patungo sa pantalan ng Basco ay nagkaproblema ang MV Wakay Trader na naglalaman ng gravel ang sand at dalawang heavy equipment.

Nabatid na tumawag ang coast guard sa kapitan ng barko upang alamin ang kanilang status at napag-alamang nagkaroon ng problema ang main engine ng nasabing barko dahilan upang kumuha ng barko na siyang hihila subalit habang naglalayag ay napadpad naman ito sa mababaw na bahagi ng dagat.

Nagpasya namang kumuha ng ibang barko ang kapitan upang mailipat ang mga kargamento dahil na rin sa pagkabutas ng engine room ng nasabing cargo vessel na pinasok na rin ng tubig.

Patuloy namang naka-monitor ang coast guard sa insidente upang maagapan ang pagkakaroon ng oil spill habang inaayos din ang sira ng barko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply