19 sakay ng mini-plane sa Kathmandu patay

NAMATAY ang 19 na sakay ng isang maliit na eroplano sa Kathmandu, Nepal nang bumulusok dahil sa masamang lagay ng panahon.

Nagkadurog-durog ang katawan ng sakay ng beech aircraft na pag-aari ng Buddha Air, mga dayuhang turistang magmamasid sana sa Mount Everest.

Kabilang sa namatay ang 10 Indian, dalawang American, isang Japanese, tatlong Nepali at tatlong nepali crew members.

Ayon sa Kathmandu Airport rescue coordination center, pabalik na sa Kathmandu ang nasabing private plane nang bumagsak dahil sa masamang panahon.

Nitong nakaraang Disyembre, isang eroplano rin ang nag-crash sa Nepal makaraang sumalpok ang Twin Otter aircraft sa Himalayan foothill na nagresulta sa pagkamatay ng 22 pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply