Misis kinatay, ginilitan ng iniputang mister

DAHIL sa selos matapos malaman na hindi sa kanya ang dalawa sa mga anak ay sinumpong ng sakit ang 45-anyos na mister at pinagtataga ang kanyang asawa bago ginilitan sa Iloilo, sa ulat ng pulisya nitong Biyernes.

Ayon sa report na ipinarating sa Camp Crame, dead on the spot ang ginang na si Margie Sernicula, 42, ng Barangay Tiglawa, San Joaquin, Iloilo.

Agad din namang nadakip ng Iloilo PNP ang suspek na si Galeo Sernicula, 45, ng nabanggit na barangay na sinasabing maliban sa mga taga ay nilaslas pa ng suspek ang lalamunan ng kanyang asawa.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Iloilo Homicide section, lumalabas na dumaranas ng nervous breakdown ang suspek at bago umano nangyari ang karahasan ay kinakitaan na ito ng kakaibang kilos.

Hinihinalang tumindi ang sakit ng suspek dahil sa balitang nakarating sa kanya na hindi siya ang ama ng dalawa sa apat na anak sa kanyang misis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply