2 anak ni Nadia tsinugi Sa TV 5 dahil kay Annabelle Rama

HOW sad naman sa part ng Tabachingching na si Nadia Montenegro kung true ang bali- tang tsinugi na sa TV 5 ang dalawang daughters niya roon. Kalokah! Parehong starlet category na nga ang mga anak na ito ni Nadia, tatanggalan pa ng trabaho.

Pero why? Kasi napuno na raw ang manager ng dalawang youngstar na si Tita Annabelle sa Mommy (Nadia) ng mga ito.

Ayaw raw kasing magbigay ng komisyon nito kay Bisaya kaya para wala nang problema, hayun at kinausap  na raw ni Tita Annabelle ang management sa kanyang desisyon na i-freeze pareho ang career ng mga lovechild ni Nadia na siyang sinunod daw ng mga tao roon.

Well, infairness kay Bisaya, agrabiyado siya rito kaya karapatan lang niya kung gumawa man siya ng ganitong aksiyon. Ang malulukring talaga sa pangyayaring ito ay mismong si Nadia na ang inaasahan lang ngayon ay ang mga kita ng tatlong anak sa showbiz. Kung hindi magagawan nang paraan ay baka balik uli ang dating Regal baby actress sa paghihirap. Magkano lang naman kasi ang talent fee ng kanyang si Ynna sa Kapuso network, hindi naman ito big star noh? Si Bisaya, kahit na wala ang kanyang mga anak super mega-mega rich pa rin sa rami ng mga talents.

Sa anak pa lang nitong si Richard, milyones na ang komi ng loving wife na ito ni Tito Eddie Guttierez.

Tamaers, gyud!

***

Kaabang-Abang Ang Mga Showbiz Expose Sa THE BUZZ

Pagdating sa mga latest showbiz news and expose’, nangunguna parati riyan ang The Buzz that’s being hosted by the one and only King of Talk, Kuya Boy Abunda with KC Concepcion, Charlene Gonzales and Toni Gonzaga.

Yes, at mismong mga nabanggit na famous and multi-talented talk show hosts ay may issue rin bawat isa na kinasasangkutan. Tulad na lang ni KC pero nilinaw nito na okey na sila ng kanyang si Papang si Piolo Pascual.
Sinagot at hinarap naman ni Toni ang intrigang pagkaka-link ng kanyang Papang director na si Paul Soriano kay Maja Salvador na pangunahing bida ni Direk Paul sa kanyang pelikulang Thelma.

Ginagawan naman ng issue lately si Kuya Boy A. na matapos iwan ang SNN o Showbiz News Ngayon dahil nagbabawas ito ng work load ay aalis na rin daw ito sa The Buzz. ‘Yan ay malaking imbento lang at kasinungalingan. Si Kuya Boy, ang haligi ng The Buzz at mahal na mahal niya ang show kaya mananatili siya rito. Samantalang kay Charlene, medyo tahimik lang ang balita sa magandang

TV host. Abangan ang ilang mga showbiz exposes na rito lang ninyo sa The Buzz masi- silip. It’s being aired every sunday at 4:30 PM right after Growing Up.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply