2 Arabong sakay ng bumagsak na eroplano minamatyagan

NANARIWA sa isipan ng mga awtoridad ang eksena ng trahedya sa 9-11 sa New York nang malaman na dalawang Arabo na nagsasanay magpalipad ng eroplano ang sakay ng bumagsak na Cessna single engine na may tatak na RPC-7087 kahapon (Setyembre 21) sa isang palayan sa Bulacan.

Naalerto na rin ang US Embassy sa Maynila at kagyat na iniimbestgahan na rin ang pangyayari.

Nakilala na rin ng mga imbestigador ng Pulilan PNP ang dalawang sakay ng bumagsak na eroplano na sina Khairi Dehai Almuqbali, 28,at Ragavamandam Ka na siyang nagpalipad ng eroplano mula sa isang flying school sa bayan ng Plaridel.

Ayon kay Pulilan Chief Supt. Myrna Reyes, nang  bumagsak ang eroplano sa may Barangay Penabatan sa bayan ng Pulilan ay ligtas at walang sugat na nakalabas ng eroplano ang dalawa.  Nang tanungin ng mga pulis kung bakit at ano ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano ay hindi tumugon ang mga ito at kagyat na bumalik sa Plaridel kung saan nakabase ang flying school.

Minamanmanan na ang dalawa at ang aktibidad ng mga ito sa lalawigan at ang intelligence community ay aktibo na sa pagkalap ng impormasyon upang hindi mabansagang tutulug-tulog ng PNP at ng US Homeland Security. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply