2 bagets na sangkot sa pamamaril sa SM Pampanga brain dead na

IDINEKLARANG brain dead na ngayon ang dalawang magkarelasyong teenager sa insidente ng pamamaril sa SM City Pampanga kahapon.

Nabatid kay Dr. Alfonso Danac, head ng Emergency Room ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City, Pampanga, brain dead na ang dalawang biktima na kapwa sa ulo ang tama ng baril.

Nabatid pa kay Danac na idineklara ni Dr. Eric Salas, attending physician ng 13 taong gulang na namaril, na nagdesisyon na ang pamilya nito kagabi na alisin ang tubong sumusuporta sa buhay nito habang ido-donate na lamang ang organs.

Sa likod na bahagi ng ulo pumasok ang bala sa 16 taong gulang at bumaon sa kaniyang utak habang sa kanang sentido ng 13 taong gulang pumasok ang bala.

Hindi pa rin batid ng awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng kalibre 22 baril na ginamit sa insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply