2 bagets natusta sa sunog sa Ilocos Sur

KAHIT itinaya ng isang ama ang sariling buhay upang iligtas ang kanyang dalawang anak na nakulong sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Ilocos Sur ay nabigo pa rin itong maisalaba ang kanilang buhay, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, hindi na nagawang makalabas nang buhay ng magkapatid na sina Stefany Ronquillo, 15 at Ryan Nicolas Ronquillo, 10 nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay na nasa Brgy. Balidbid, Salcedo, Ilocos Sur.

Nalapnos naman ilang bahagi ng katawan ng amang si Nelson Ronquillo sa kanyang pagtatangkang mailabas ang mga anak mula sa nasusunog na kuwarto ng mga  biktima.

Ayon kay SFO1 Jason Baguryo, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang nasabing tahanan.

Kasalukuyan pang inaalam ng awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply