2 binatilyo nalunod sa ilog

TODAS ang dalawa sa limang kabataan matapos malunod sa isang ilog makaraang magkayayaan ang mga ito na manghuli ng katabang isda sa mga kanal Sabado ng hapon, Setyembre 3, sa Valenzuela City .

Ang mga biktima ay sina Binjamin Dueñas, 13, at  si Tedson Oncepido, 15, pawang taga Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) ng Valenzuela Police, dakong alas-4:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Diretso, Jacinto st., Tullahan River, Brgy., Marulas Valenzuela City.

Ayon kay Ginesis Dueñas, 12, Belson Oncipedo, 12 at kabarkada nilang si Baron Nagaña, 13, nagkayayaan ang mga ito na manghuhuli ng katabang isda sa nasabing ilog.

Nang marating ng grupo ang  naturang lugar aksidenteng ay nadulas ang isa sa biktimang si Benjamin hanggang sa  tuluy-tuloy pailalim ng ilog. Nang makita ni Fernando  ang nangyari ay pilit nitong isalba ang kaibigan subalit  hindi ito marunong lumangoy kung kaya ito ay nalunod din.

Ayon pa sa mga residente, halos taun-taon umano ay may nalulunod at namamtay sa nasabing ilog. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply