2 carnappers todas sa engkuwentro

DALAWANG hinihinalang carnappers ang napatay nang makaengkuwentro ng mga awtoridad sa Binan City, Laguna kaninang madaling-araw, Setyembre 6.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang engkwentro sa Diversion Rd, St Francis 5, Amorlon Subdivision, Barangay Canlalay, Binan City, Laguna.

Nabatid na nagsasagawa ng checkpoint operations ang mga pulis sa lugar nang mamataan ang dalawa lulan ng dalawang nakaw na motorsiklo.

Sa halip na huminto at sumuko, pinaputukan ng dalawa ang mga pulis.

Nagresulta ito sa ilang minutong palitan ng putok hanggang tumimbwang ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.

Narekober sa kanila ang dalawang motorsiklo at dalawang kalibre .38. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply