2 eroplano nagkasagian sa NAIA

NAANTALA ang biyahe ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang makasagian ng pakpak ang dalawang eroplano kanina.

Ayon sa NAIA-Media Affairs Division, nagkamali umano ng pagtaya ang tug operator sa distansiya ng dalawang eroplano, kung kaya nagkasagian ang dulo ng mga pakpak ng Qatar Airways at Delta Air.

Sinasabing naghahanda na para sa departure ang Qatar Airways aircraft na Airbus Industrie A330 ng tamaan nito ang dulo ng kaliwang pakpak ng Boeing 747-400 ng Delta Air.

Bagama’t nagdulot lamang ng minor scratches ang insidente, minabuti na lang ng mga piloto ng Qatar na ibalik sa terminal ang eroplano.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply