2 ginang timbog sa pekeng pera

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang ginang matapos gumamit ng pekeng pera sa pamimili sa Porac, Pampanga.

Kinilala ni Porac Police Chief Supt. Niel Oligario Mero ang dalawang ginang na sina Dory de Jesus,  ng Pulilan, Bulacan at Corazon Elipanes, residente ng Malolos, Bulacan.

Ayon kay Mero, namili ang mga suspek ng mga karne at bigas sa public market ng Porac at saka tumaya sa small town lottery (STL) outlet kung saan natukoy na peke ang perang ipinambabayad ng mga ito.

Nanawagan din si Mero sa mga naging biktima ng dalawang ginang na magtungo sa presinto at kilalanin ang mga ito para masampahan ng karagdagang kaso.

Ililipat naman sa pangangalaga ng Porac Social Welfare Office ang menor de edad na kasama ng dalawang ginang. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply