2 kelot binoga sa Makati

DALAWANG lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa lungsod ng Makati kaninang madaling-araw, Setyembre 2.

Nakilala ang mga biktima na sina Keempee dela Cruz, 20, at Christopher Panganiban, 26 na kaagad dinala sa Ospital ng Makati upang malapatan ng lunas ang mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Nabatid na naganap ang insidente bandang 3:50 ng madaling araw sa Araro Street sa Barangay Palanan, naturang lungsod.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa motibo ng suspek sa pagbaril kina Panganiban at dela Cruz.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply