2 kotse sinalpok ng trak, nagliyab

NASUNOG ang dalawang sasakyan matapos na bumangga sa isang trailer truck ngayon (Biyernes, Setyembre 9) sa panulukan ng Ortigas Avenue at C-5 Road sa Pasig City.

Base sa report, nawalan ng preno ang trak habang binabagtas nito ang East bound ng Ortigas bago sumapit sa C-5 kung saan nakabangga ang isang taxi (TXC-982 ) na dala-dala ni Domingo Azosito na sumalpok naman sa Volvo (XRZ-236) na minamaneho ni Peter Francisco.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay pumailalim ang taxi sa Volvo dahilan para sumingaw ang liquefied petroleum gas (LPG) na gamit ng taxi na agad na umapoy kasama ang Volvo.

Ang trailer truck naman ay bumangga sa flyover na suspetsang sinadya ng drayber para makatakas.

Nagmagandang-loob naman ang mga guwardya at construction workers sa isang ginagawang gusali na ilabas ang tatlong sakay ng taxi at dalawang drayber ng mga nasunog na sasakyan.

Isinasagawa na ang clearing operation at tinutugis na rin ang tumakas na drayber ng trak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply