2 kritikal sa pamamaril sa loob ng SM Pampanga

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang dalawang lalaki na hinihinalang may relasyon matapos na maganap ang pamamamaril sa loob mismo ng SM Pampanga.

Ang mga biktima ay isang 13-anyos na taga-Olongapo City at isang 13-anyos na taga-Baliuag, Bulacan.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-dose ng tanghali ng maganap ang insidente sa unang palapag ng building 3 ng nabanggit na mall.

Binaril ng 13-anyos ang 17-anyos sa dibdib bago nagbaril sa ulo.

Ang kalibre .22 na baril na ginamit sa pamamaril ay nakuha sa pag-iingat ng 13-anyos kasama ang dalawang basyo ng bala at tatlong empty shell.

Hinala ng pulisya ay nagkaroon ng lovers’ quarrel ang dalawa na kasalukuyan ng inoobserbahan sa magkahiwalay na ospital sa San Fernando Pampanga.

Nakuha rin ang isang suicide note sa bulsa ng 13-anyos.

Iniimbestigahan na ng local police kung paano naipuslit ang baril sa loob ng mall.

Ito na rin ang ikatlong pag-insidente na pamamamaril sa loob ng SM malls.

Nitong Setyembre 14 lang nang maipasok ng isang ginang ang baril sa loob ng SM North Edsa kung saan pinatay nito ang dating mister, na empleyado ng mall, at ikinadamay rin ng isang security guard ng mall.

Noong Hulyo 29, sa SM Iloilo ay nagbarilan naman ang isang security guard at isang miyembro ng Games and Amusement Board (GAB).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply