2 LPA pa tinututukan ng PAGASA

TINUTUTUKAN ngayon ng state weather forecasters ang dalawang low pressure areas (LPAs) na papasok sa teritoryo ng bansa at maaaring maging bagyo ngayong linggo.

Gayunman ayon kay forecaster Nelson Dianela ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang isa sa LPA ay nagpapakita ng senyal na pawala na.

Sakaling maging bagyo, papangalanan itong “Pedring” na tiyak na makakaapekto sa hilagang bahagi ng Luzon.

Ayon kay Dianela, ang ikalawang LPA aniy ay namumuo sa silangang bahagi ng Mindanao, pero mukhang nalulusaw na.

Samantala sinabi ng PAGASA  na ang amihan na nasa dulong bahagi ng hilagang Luzon ay magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Makakaranas din aniya ng kalat na pa-ulan sa Luzon at Visayas na maaaring magdulot ng flashfloods o landslides.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply