2 miyembro ng ‘spaghetti gang’ timbog sa Pasay

ARESTADO ang dalawang hinihinalang miyembro ng “spaghetti gang” makaraang nakawin ang kawad para sa linya ng telepono kaninang madaling araw, Setyembre 12, sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ni PO3 Dennis Desalisa ng Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS) ang mga suspek na sina William Sales, 24, at John Michael Miñosa, 22.

Ang dalawang suspek ay naaresto nina barangay tanod Juna Boistigao, 24, Danny Abroga, 30, kapwa ng Barangay 192, Zone 20 sa Pasay City.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong theft ni Mario Magpantay, 47, residente  ng  Doña Soledad Avenue, Better Living, Paranaque City, representante ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

Ang insidente ay naganap dakong 1:45 ng madaling araw sa MIA Road nang mamataan ng dalawang tanod ang mga suspek na pinagpuputol ang kawad ng linya ng telepono ng PLDT.

Nakuha sa mga suspek ang halos 20 metro ng cable wire na nakasilid sa kulay itim na travelling bag.

Ang dalawang suspek ay nakapiit ngayon sa detention cell ng SIDMS at sasampahan ng kaulang kaso sa tanggapan ng City Prosecutors Office. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply