2 napag-tripan barilin

SUGATAN at ginagamot sa magkahiwalay na ospital ang dalawang kabataan matapos mapag-tripan na paputukan ng baril ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad sa kalye Huwebes ng medaling-araw, Setyembre 8, sa Caloocan City.

Ang mga biktima na pawang  ginagamot sa MCU hospital at Presidente Diosdado Macapagal hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa hita atbinti ay nakilalang sina Erick Cenon, 19, at Christian Balanay, 21.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw ng pagbabarilin ang mga biktima habang naglalakad sa kahabaan ng Teronan st., Bagong Barrio.

Nabatid pauwi sa kanilang bahay ang mga biktima ng isang hind pa nakikilalang suspek ang nagbunot ng baril at walang pakundangang nagpautok ng baril ilang saglit nakita na lamang na pawang duguan at pilay na ang mga biktima sanhi ng tama nila sa kanilang paa.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nabing pamamaril habang isang manhunt operation naman ang inalatag ng pulisya laban sa suspek. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply