2 OFW kulong sa Jeddah

NAKULONG ang dalawang may-edad nang OFWs sa Jeddah matapos mapagbintangang kasabwat sa pagnanakaw ng kable ng kuryente.

Nakilala ang dalawang OFWs na sina Rogelio, 67, na isang heavy equipment operator  at Jimmy, 65, na isang chief electrical supervisor at 17 taon nang nagtatrabaho sa kanilang kumpanyang pinapasukan.

Nananawagan sa pamahalaan ng Pilipinas ang mga katrabaho ng dalawa na tulungan ang mga ito matapos ipakulong ng kumpanya na kanilang pinapasukan dahil sa alegasyon ng pagnanakaw.

Bagaman nahuli ang mga tunay na nagnakaw ng mga kable na hindi mga Pilipino, itinuloy pa rin ang pagsasampa ng reklamo laban kina Jimmy at Rogelio dahil sa akusasyon na kasabwat sila sa ilegal na gawain.

Ang nangyari sa dalawa ay labis na ikinalungkot din ng kasamahan nilang si Edison Manzano. Iginiit niyang tunay na nagtatrabaho ang dalawa at walang kinalaman sa nangyaring nakawan.

Maging ang ilang kasamahan nila na iba ang lahi ay nagbigay din umano ng testimonya na kasama nilang nagtatrabaho si Jimmy nang sandaling maganap ang nakawan.

Ilang araw din umanong inimbestigahan ang dalawang OFWs at tuluyan silang isinama sa kaso ay ipinakulong noong nakaraang linggo.

Kumilos na ang  Philippine Consulate Officer in Charge Consul na si  Leo Tito Ausan, Jr. at  nakipag-ugnayan na sila sa mga tauhan ng Assistance to National ng Department of Foreign Affairs (DFA) para tulungan ang dalawang Pinoy. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply