2 pagsabog bumulabog na naman sa Cotabato City

DALAWANG magkasunod na pagsabog ang bumulabog na naman sa Cotabato City kaninang umaga, Setyembre 14.

Nabatid na sumambulat ang improvised explosive device (IED) na gawa sa bala ng 81mm mortar na inilagay sa ilalim ng nakaparadang Lawin jeep sa labas lamang ng gate ng ORG Compound ng ARMM sa Governor Gutierrez Avenue, naturang lungsod.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng matinding takot sa mga sibilyan.

Matapos ito, isa pang bomba ang sumabog habang hinihila ng lubig ng EOD team ng 7th Marine Battalion Landing Team (MBLT-7) malapit sa unang pinagsabugan.

Matatandaan na kahapon lamang dalawang IED na gawa sa bala ng 81mm mortar ang sumabog ilang minuto ang lumipas sa pagdaan ng convoy ni DILG Secretary Jesse Robredo na dumalo sa forum ng mga applicants na caretaker ng ARMM.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply