2 paslit patay sa baha sa Maguindanao

DALAWANG paslit ang naiulat na namatay sanhi ng pagbaha bunsod ng tuluy-tuloy na ulan sa Maguindanao noon pang nakaraang linggo.

Ayon sa report ng dzBB, nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang mga nasawi ay may edad na 8 at 13.

Nabatid pa sa NDRRMC na lalong lumala ang pagbaha noong Linggo bunsod pa rin ng paglakas ng ulan sa naturang lugar.

Base sa tala ng NDRRMC naapektuhan ng pagbaha ang mga pamilya na nasa Sultan Sa Barongis, Pagalungan, Datu Montawal, Paglat, Mother Kabuntalan, Buluan, Mangudadatu, Pandag.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply