2 paslit positibo sa AH1N1 sa US

NAGPOSITIBO sa dalawang biktima ang bagong strain ng AH1N1 sa tala ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Nabatid na ang bagong strain ng virus ay naipasa umano mula sa baboy direkta sa mga bata kung saan kinakailangan nang masusing pag-aaral dahil kapag kumalat ito sa tao, matindi ang magiging epekto nito.

Sa inisyal na pagsusuri ng ahensiya, ang bagong strain ay may genetic material na mula sa AH1N1 virus na tumama sa mundo noong nakaraang taon at may DNA mula sa iba pang flu virus sa mga baboy.

“We hope to learn more about the extent of transmission as soon as possible,” ayon kay CDC spokesman Tom Skinner.

“We see a couple of cases of swine origin influenza every year, and usually it’s in people who have direct contact with swine. Right now there doesn’t appear to be any sustained human-to-human transmission.”

Ang mga bagong kaso ay pawang mga bata na hindi tataas sa limang taong gulang at galing sa Indiana at Pennyslvania.

Ayon kay Skinner, ito ang mga unang kaso ng swine flu na naitala nila ngayong taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply