2 patay, 420 flights kanselado sa Japan dahil sa bagyo

PATAY ang dalawa katao, habang lima na ang missing at 59 ang sugatan sa pagtama ng bagyong Talas sa Japan.

Ayon sa Japan Meterological Agency, tumama ang mata ng bagyo sa isla ng Shikoku at kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong hilaga at may pabugsong hangin na 108 kilometro bawat oras.

Kabilang sa mga namatay ang matandang babae na nalunod matapos tinangay ng baha sa ilog sa major city na Matsuyama habang isang 73-anyos na matandang lalaki naman ang nalibing ng buhay matapos tamaan ng landslide ang kanyang bahay sa Nara prefecture.

At dahil sa malakas na ulan at hangin, 420 flights ang kinansela sa ilang rehiyon sa Japan.

Nagbabala rin ang nasabing ahensiya ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa mga residente sa western Japan.

Kahapon, 2,200 katao ang inilikas mula sa 12 prefectures sa Japan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply