2 patay sa bumaligtad na motorsiklo

KAPWA nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang katawan ng dalawang lalaki nang bumaligtad ang sinakyang motorsiklo kaninang madaling-araw, Setyembre 17, sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros medical hospital ang mga biktima na kinilala sa pangalang Willian Martino at Agustin Cawili bunga ng pagkakabasag ng bungo at malalang pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nabatid sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue team, ang insidente ay naganap bandang alas-4:00 ng umaga habang binabaybay ng mga biktima ang North bound lane ng C-5 road sa lungsod ng Taguig.

Pagsapit sa Market-Market, aksidenteng bumaligtad ang sinasakyang motorsiklo kaya tumilapon ang dalawang biktima at tumama ang ulo sa sementadong bangketa.

Batay sa ulat ng MMDA rescue team, ang dalawang biktima ay walang suot na helmet at nangangamoy alak. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply