2 patay sa dyip na sumalpok sa tindahan

DALAWA katao ang patay habang lima ang nasugatan nang sumalpok ang isang pampasaherong dyip sa isang tindahan sa Antipolo City, kagab (Martes, Setyembre 13).

Ayon sa ilang testigo, nawalan ng kontrol ang driver ng dyip na si Jojo Silvano, 27, dahil sa pakikipagkarerahan sa isang motorsiklo sa Marcos Highway sa Barangay Mabugan.

Dahil dito, sumalpok ang dyip sa tindahan at naipit ang bystanders na sina Rodrigo Bartolome at Virgilio Abejar.

Isinugod pa sa pagamutan ang dalawa subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Lima pang pasahero ang nasugatan sa aksidente.

Pinaghahanap naman si Silvano na tumakas pagkatapos ng aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply