2 Pinay na nagtatrabaho sa pamangkin ni Gadhafi nailigtas na

NAILIGTAS na ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas ang dalawang Pilipina na nagtatrabaho sa pamangkin nang pinatalsik na Libyan Leader na si Muammar Gadhafi sa Tripoli, Libya.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez, nasa pangangalaga na ni Ambassador Alejandro Vicente sina Diana Jill Rivera at Mary Anne Ducos matapos nilang masagip ang mga ito sa pinaglilingkurang mga amo.

Batay sa ulat, nagawa umanong makipagkita ng dalawa sa mga opisyal ng Embahada sa loob ng isang sasakyan na malapit sa tinutuluyan nilang bahay sa Tripoli hanggang magpasiyang lisanin ang kanilang amo kaya’t walang nabitbit na personal na gamit

Napag-alaman na kaagad na dinala ng mga opisyal ng embahada ang dalawa sa Tunisia, Jeddha upang doon muna manatili habang hinihintay ang kanilang biyahe pabalik ng Pilipinas.

Sinabi ni Hernandez na anumang araw ngayong linggo ay maka-uuwi na sa Pinas ang dalawa kaya’t ipinarating na sa mga kaanak nito ang pagbabalik ng dalawa.

Kahit na nailigtas sina Rivera at Ducos ay bigo pa rin ang mga opisyal ng Embahada na hikayatin ang dalawa pang Pinay domestic helper na sina Zenaida Labugen at Raquel Dadang na nagtatrabaho rin sa kamag-anak ni Gadhafi.

Nagpasiya umano ang dalawa na manatili sa bahay ng kanilang mga amo dahil wala naman silang nakikitang banta sa kanilang kaligtasan lalu na’t nagsisimula ng magkaroon ng kaayusan sa naturang bansa.

Sa pamamgitan ng telepono ay tiniyak ng dalawa sa mga opisyal ng Embahada ang kanilang kaligtasan at nagpasiyang huwag na munang bumalik sa Pilipinas lalu na’t wala namang naghihintay na trabaho sa kanilang pagbabalik.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply