2 pumatay sa Negros broadcaster kinasuhan na

BAGO mailagak sa libingan, nahuli at kinasuhan na ng pulisya ang dalawang kalalakihang pumatay sa Iloilo-based radio commentator na si Niel Jimena sa Negros Occidental province noong Agosto 22.

Pero hindi muna ibinunyag ni provincial police chief Senior Supt. Allan Guisihan ang pagkakakilanlan ng mga suspect na kinasuhan na sa Provincial Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Guisihan na ang reklamo ay isinampa ng pamilya ng biktima sa tulong na rin ng Task Group Jimena investigators na nahuli ang mga suspect sa tulong ng isang testigo na lumutang para inguso ang dalawang salarin .

Bagama’t ikinukonsiderang sarado na ang kasong pagpatay kay Jimena, aminado naman si Guisihan na hindi pa nila alam ang motibo sa pagpatay rito.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Guisihan na kinukumpleto pa nila ang anggulo na ang pagkamatay ni Jimena ay may kaugnayan sa trabaho nito bilang isang media practitioner o ang pagiging dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) confidential agent.

Noong 2009, pinagtangkaan na rin ang buhay ni Jimena matapo itong  pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan malapit sa Malogo bridge sa Victorias City.

Itinumba sio Jimena noong Agosto 22 ng dalawang armadong kalalakihan sa EB Magalona town sa Negros Occidental.

Sa Lunes na ang libing ni Jimena. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply