2 rebelde patay sa sagupaan sa Ilocos Sur

DALAWANG kasapi ng New Peoples Army ang napatay sa pakikipagbakbakan sa tauhan ni Philippine Army chief Ltgen Arturo Ortiz sa Ilocos Sur kanina.

Ayon sa report na ipinarating sa Army Headquarters sa Fort Andres Bonifacio, naganap ang sagupaan kaninang hatinggabi sa Barangay Aluning, Cervantes, Ilocos Sur.

Sinasabing dalawang NPA ang napaslang sa hanay ng Kilusang Larangang Group (KLG) nang sagupain sila ng mga tauhan ng 50th Infantry Batallion ng Philippine Army habang nagsasagawa ng 24-hour combat security patrol sa area.

Magugunitang ang Barangay Aluning ay malapit lamang sa Barangay Remedios, Cervantes na siya ring pinangyarihan ng mahigit tatlong oras na engkuwentro sa pagitan ng Army at CPP-NPA nitong Biyernes ng madaling-araw.

Nabatid na una na ring tinambangan ng mga NPA ang tropa ng 50th IB na pinangunahan ni Lt. Querolino habang nagsagawa ng regular patrol, na nabangga naman  sa pursuit  operation naman ang grupo ni commanding officer Col. Noli Anquillano.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply