2 salvage victim sa QC binaunan ng pako sa ulo

HINDI lamang pinahirapan bago pinatay kundi binaunan pa ng ilang piraso ng pako sa ulo ang dalawang hinihinalang biktima ng summary execution bago inabandona sa La Loma, Quezon City kaninang madaling araw.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga bangkay na inilarawang nasa 18 hanggang 25-anyos, kapwa tadtad ng tattoo sa katawan.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), may mga senyales ding dumanas ng torture at strangulation ang mga biktima.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natuklasan ang mga bangkay pasado ala-1:00 ng madaling araw sa isang bisinidad sa Calavite St., sa Barangay San Isidro Labrador.

Ayon sa mga residente, ilang minuto bago natuklasan ang dalwang bangkay ay may napansin silang umaaligid-aligid sa kanilang lugar na isang kulay itim na sports utility vehicle na hindi naplakahan.

Sa pag-aakalang may hinahanap lamang ang mga pasahero nito ay nagbalik na lamang sila sa kanilang mga bahay.

Ngunit ilang sandali lamang, nadiskubre agad ng isang residente ang mga bangkay kaya agad ini-report sa himpilan ng pulisya.

Natagpuan din ang dalawang helmet sa tabi ng mga bangkay pero wala namang nahagilap na mga motorsiklo kaya palaisipan ngayon sa pulisya ang naturang krimen.

Hinala naman ng CIDU, na pinatay ang mga biktima sa ibang lugar at iniwan lamang sa La Loma upang iligaw ang ikakasang imbestigasyon nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply