2 sugatan sa 3 bus na nagkarambola sa EDSA

BAHAGYANG nasugatan ang dalawang pasahero nang magkarambola ang tatlong bus sa EDSA kaninang umaga, Setyembre 13, sa EDSA.

Ang karambola na kinasasangkutan ng AC Trans, Commuters Transit, at Lipad Transit Bus na nagdulot ng pagsisikip ng trapiko mula Guadalupe, Makati City hanggang sa Shaw Bouleverd, Mandaluyong City.

Batay sa ulat, ang aksidente ay naganap dakong 7:10 kaninang umaga nang maggigitan ang tatlong pampasaherong bus dahil sa pag-aagawan ng pasahero sa North bound bago dumating ng Shaw Boulevard.

Ang aksidente ay iniulat na bahagyang ikinasugat sa braso at binti ng dalawang pasahero na agad namang umalis makaraan ang naganap na insidente.

Bagama’t naalis na sa lugar ang tatlong pampasaherong bus sa lugar, nagdulot pa rin ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply