2 sugatan sa ambush sa Maynila

SUGATAN ang dalawa katao matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin ang kanilang sports utility vehicle sa Malate Maynila ngayon (Biyernes, Setyembre 16).

Nakilala ang mag-inang biktima na sina Lolita Javier, 72, na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan at ang anak nitong si Dominador Javier, 44, na nagtamo ng daplis sa leeg at balikat.

Ayon sa ulat, kasalukuyang binabagtas ng nasabing sasakyan ang harapan ng Century Park Hotel sa Malate, Maynila ng pagbabarilin ng naka-motorsiklong salarin na hindi nakuha ang plaka.

Naimaneho pa ni Dominador ang sasakyan patungong Ospital ng Maynila kahit na may tama na sa katawan.

Nilalapatan na ng paunang lunas ang mag-ina sa nasabing pagamutan.

Nasa stable na kalagayan na ang dalawa, ayon sa mga doktor na tumingin sa kanila.

PAtuloy pa rin na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply