2 tonelada ‘dynamite fish’ nakumpiska

NAKUMPISKA ng mga operatiba ng Bureau of Fisheris and Aquatic Resources (BFAR) ang dalawang toneladang “dynamite fish” o isda na nahuli sa pamamagitan ng dinamita sa Delpan port kagabi sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay BFAR Dir. Atty. Asis Perez, ang mga isda ay sakay ng MV Andrea 1 mula Palawan na durug-durog  ang katawan na posibleng nahuli sa dynamite fishing.

Ayon kay  Atty. Perez, ang paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda ay nakakasira rin sa coral reefs.

Maituturing aniya na isa ito sa pinakamalaking kargamentong nasabat ng BFAR ngunit walang naaresto sa nasabing operasyon.

Mula mismo sa Palawan ang nagbigay umano ng tip sa BFAR kaya naharang ang kontrabando pagdating ng Metro Manila na nasa loob ng umaabot sa 42 boxes.

Nilinaw naman ni Asis na dahil sa public vessel ang pinagsakyan ay hindi nila maaaring pigilin ang barko at maging ang tagapamahala nito.

Kung sakali aniyang fishing vessel ang pinagsakyan ay gagawin nila ang pagdetine sa mga tripulante at kapitan ng sasakyang pangisda.

Ang 32 kahon ng isda ay nasa BFAR para sila ang mag-dispose habang ang 10 box ay nasa Phil. Coast Guard para siyang mamahala sa pamimigay.

Kaugnay nito, nanawagan ang BFAR sa mga local government units (LGUs) na pigilan ang ganitong sistema ng iligal na pangingisda. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply