20 bahay winasak ng buhawi sa Pangasinan

SINIRA ng buhawi ang may 20 kabahayan sa Brgy. Lubong, Umingan, Pangasinan.

Nabatid mismo sa mga resident eng naturang lugar na bigla na lamang umanong nagdilim ang langit, dakong alas-4:00 ng hapon at sinundan ng pagbuhos ng napakalakas na ulan at sabay ang pagdating ng ipu-ipo.

Tinangay ng hangin ang bubungan ng kanilang mga bahay, nabuwal ang mga puno habang nawalan din ng kuryente dahil nasira ang mga linya.

Nabatid pa na nasira rin ang kanilang mga pananim ngunit wala namang nasaktan sa naturang pananalasa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply