20 bomb makers pinakawalan ng Jemaah Islamiyah– PNP

KINUMPIRMA mismo ng Philippine National Police (PNP) na nagpakawala ng 20 bomb makers ang Jemaah Islamiyah (JI) para magpasabog sa matataong lugar.

Ayon sa PNP, nagsisilbing test mission ni Basit Usman, bomb expert ng grupo, sa mga bagong graduate na bomb makers ang maghasik ng kaguluhan sa matatao at sikat na lugar sa Cotabato City, Cotabato at Sultan Kudarat.

Si Usman ang siyang utak at pasimuno ng maraming pambobomba sa Mindanao gamit ang 81mm na bala ng mortar.

Inaalam na rin ng PNP kung aabot sa Metro Manila ang mga test mission.

Kaugnay nito, mayroon ring intelligence report, na magkakaroon ng mga kidnapping sa Cotabato upang maka-ipon ng pondo ang grupo na gagamitin nila sakaling ideklara ng Korte Suprema na itutuloy ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanan (ARMM) sa 2013.

Nagpapatrulya na ngayon ang may 400 pulis at sundalo sa Cotabato at dinagdagan na rin ang tropa sa Cotabato airport.

Mahigpit na ring binabantayan ng Special Action Force (SAF) at Philippine Marines ang mga bangkang dumadaan sa mga ilog dahil sa nasabing ulat ay sa Catobatao ilulusot ang mga bomba.

May lumabas ring ulat na ang bombang gagawin ay ibebenta ni Usman sa mga pulitiko at sindikato sa halagang P10,000 hanggang P15,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply