2012 budget deliberation simula na

SINIMULAN na Martes gn umaga (Setyembre 6) ang deliberasyon ng Kamara sa 2012 General Appropriations Act na P1.816 trilyon subalit walang korum.

Hindi agad nakapagbukas ang sesyon ng 10:00 ng umaga dahil sa kawalan ng sapat na bilang ng mga kongresista at 10:41 na ito nagsimula sa pamamagitan ng privilege speech ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman ng House committee on appropriations.

Nang tanungin ng mga mamamahayag sina Agham Party-list Rep. Angelo Palmones at Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez ay sinabi nilang hindi pormal ang pagsasabi sa mga kongresista ukol sa sesyon ng alas-10:00 ngayong umaga sa halip na regular na oras na alas-4:00 ng hapon.

“Ako tinext lang. Naghihintay kami na i-anunsyo ito kagabi sa plenaryo pero hindi ito nangyari kaya siguro maraming wala dahil hindi lahat ay nasabihan,” ayon kay Palmones.

Sa panig naman ni Benitez ay sinabi niyang habang nasa south lounge kahapon kausap ang ilang mambabatas ay may nagbanggit na alas-10:00 ngayong umaga sisimulan ang sesyon sa deliberasyon sa 2012 budget.

“Nang marinig ko iyon ay ipina-confirm ko sa staff ko na alamin kung umaga nga ang sesyon ngayon. Ang una nga sinabi ng staff ko na alas-4:00 pero hindi ako nakuntento at ipinatanong ko ulit.  Iyon saka lang na-confirm na alas-10:00 nga,” ani Benitez.

Isa sa mga dumadalo ngayon sa sesyon ay si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na nagpahaging na wala siyang alam na dahilan kung bakit walang korum ngayong umaga gayung wala na aniyang reklamo ang mga kongresista ukol sa kanilang pork barrel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply