2012 proposed budget aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

NAAPRUBAHAN na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang P1.816 T national budget para sa taong 2012 sa pamamagitan ng voice voting o viva voce.

Ilan sa mga ahensiyang makakakuha ng pinakamalalaking pondo ay ang Department of Education (DepED), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND), Department of Agriculture (DA), at Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa ngayon ay naghahanda na ang Kamara para sa pangatlo o siyang huling pagbasa ng proposed budget.

Ayon sa time table ng Kamara, inaasahang malalagdaan ang national budget bago mag-Christmas break ang Kongreso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply