2013 FIBA-ASIA Championship sa Pinas

NAIS ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang Pilipinas ang mag-host ng 2013 FIBA-Asia Championship For Men.

Kaya naman, magkakaroon na ng tsansa ang mga Filipino basketball fans sa mga Asian stars gaya nina Yi Jianlian, Wang Zhizhi at Sun Yue ng China, Iran’s Hamed Haddadi at Samad Nikkhah Bahrami, Sam Daghles at Rasheim Wright ng Jordan, Chinese Taipei’s Lin Chih-chieh at Takuya Kawamura of Japan.

Hindi pa nakaka-host ang bansa sa biennial meet mula noong 1973 nang maisagawa ito noong kilala pa ang liga bilang Asian Basketball Confederation (ABC) Championship.
Ilan naman sa mga  nagnanais na mag-host ng event ay ang Lebanon.
Ayon sa SBP, sisikapin nito na maisakatuparan ang layunin nito para dito maidaos ang tournament.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply